Labels

5.29.2012

Hi Amaw!

Pagnakita mo siguro tong blog ko, papagalitan mo ko. Kase lagi ako madaling araw nagbablog. Hindi tayo LDR kaya hindi naman ganun kahirap para satin yung communication. Madalas nga magkatext pa tayo or online. Pero dahil mejo may kalayuan yung bahay niyo sa bahay namin, ayun na nga. HAHA. Ni minsan di ko inakala na magiging ganto tayo. Kase sa unang tingin, ang layo ng mga napagkakasunduan natin. Yung pagnakita mo ko or pagnakita kita, wala lang. Yung hindi tayo interesado sa isa't isa. Pero ewan ko. Naging best friend kita e. And best friend parin naman kita. Dito ko ipapasok ung line ni Kim sa "Paano Na Kaya" na...

Syinota mo BEST FRIEND MO EH!

Haha. Kaso baliktad yung sitwasyon natin sa movie nila. Ako naman yung galing sa lecheng pakiramdam na crush na yan. Sa una siguro masarap. Pero habang tumatagal, kapag naaabuso na yung feelings mo, sumasakit ng sumasakit. Kita mo nga naman? Tropa pa tayong 4 nun. Kasama yung babaeng kras din yung kras ko nun. HAHAHA. BWISET! :))))))

Pero natuto ako na i-settle na ung feelings ko. Itigil ko na yung mga crush crush na yan. At dyan ka pumasok. BEST FRIEND KITA :) PBB TEENS TAYO E :))) Best friend may Anniversary!? HAHA.

Dre, hindi ko talaga inexpect na mangyayari to. I trust in you, I trust in us. :) Aypots. Ang korni ko na. HAHA. Di kase ako sweet na pangmatagalan. Yung pagka-showy ko mejo limited. Basta yun, lagi mo tatandaan, bukod sa parents ko, sa family, inaalagaan mo rin ako. Higit pa sa iba jan. Stay like that. Naniniwala ako sayo! Kaya mo yan! :)

No comments:

Post a Comment