Sa PBB Teens ngayong edition umuso yung kataga ni Vice na:
"1 week pa lang inlove na kagad?! PBB TEENS?! PBB TEENS!?"
Mga tao nga naman ngayon, mapa-anong age group man yan, kapag nakasagap ng kung ano, nadadama din nila yun. TAGOS SA PUSO.
Sariling opinion ah. First is about Myrtle. And some people often say na "Hindi ko talaga maunawaan yung pagmamahal ng tao sa ANIME." Kase ako, aminado ako na mahilig ako magdrawing/magbasa/manood ng anime. Kumbaga, parang nasagap ko yung CULTURE ng Japan. To the point na namememorize ko yung mga Japanese songs in less than a day. Ganyan kase ako e. Yung tipong pagna-set ko na yung goal ko sa isang bagay, di ko titigilan. Tsaka may history din kase yung pagiging anime addict ko. Nung elementary days ko, I suffered. Mahirap talaga. Lalo na kung yung mga kaibigan mo, eh on-screen kaibigan mo lang pala. Yung kapag nakatalikod ka at wala ka na sa spotlight, wala na rin silang pake sayo. Yung lalayuan ka ng mga tao na para kang may sakit na nakakahawa. Kaya napunta yung atensyon ko sa mga IMAGINATIVE na bagay. Yung mga hindi makatotohanan pero nakaka-relate ka paminsan-minsan. Ako, palagay ko, ang anime, isa yun sa mga paraan ko para masabi na paminsan-minsan pala, kaya ko rin palang malugar sa isang mundo na walang nanghuhusga sayo.
Pero dahil rin dun, mas lalo pang lumayo yung iba sakin. HINDI NA DAW KASE AKO SIKAT. Hindi na daw kase ako kagaya ng dati. May isang beses pa nga tinanong ako, "Anong nangyare sayo?! Bat di ka na sikat? Siguro dahil yan sa nag-anime anime ka. Dati palagi kang kasama ng mga sikat na tao dito ah!"
At that point, gusto kong isigaw sa kanya na, "Pasensya na. Hindi kase ako plastik e. Kung sisikat man ako, pero wala naman akong TUNAY na kaibigan, wag na lang." pero hindi ko nagawa e. Wala akong courage para dun.
Anime? Escape from reality yan para sakin.
Pangalawa naman, yung fans ng Housemates.
Oo nga fans kayo. You protect the image of your idols. Pero kung alam niyong mali ang hinahangaan nio, don't defend them. Magpakatotoo kayo. Kase kayo, you have no right to judge. May it be haters. Walang masama sa pagbibigay ng opinyon pero wag mo na ipagsigawan na mas mabait yang idol mo at wala siyang kasalanan. People tend to flip over the events paminsan. Yan ang dahilan kung bakit maraming tao ang nag-aaway away. Ka-join kayo dun? Feel na feel?
Pangatlo, panghuhusga.
Sabi ni ganto, pangit daw si ano. "HINDI NAMAN SIYA MAGANDA E." "Mukha siyang ____"
Sus. May panahon pa kayo para laitin yang mga yan. Samantalang God spent 9 months on them. Para lang magawa sila. Malay niyo they have that certain kind of attitude na maganda pala.
-end
No comments:
Post a Comment