Labels

5.30.2012

Eto yun.

So nagdecide na nga ako. From the previous post ko, medyo naguguluhan ako. Di ako natulog. Kakaisip sa gagawin ko. Kaya nung nagtext siya kanina, napag-usapan namin na magbreak na. Kase wala sa tamng edad etc. Ano ba talaga yung tama? HAHAHAHA paksht.

Just close your eyes,

the sun is going down, YOU'LL be alright. No one can hurt you now. 

Convos.

Natawa lang talaga ako =))) Paminsan lang mangpuri yang ewan na yan e. Swear. Pagpupurihin niya ko, sa huli may joke pa or binabawi. LECHE =)) Panibhasa matalino. Ako, wala. Neutral. Sapat lang.


Ayan. Dumating kahapon ng umaga yung package ko. Ang saya nga e. Ang bilis :> Haay, ewan ko ba. Mga libangan kong to, di ko malaman kung tumatakas lang ako sa problema ko or masaya ako sa ginagawa ko. Gusto ko rin kase maging productive naman ung buhay ko. Minsan kase iniisip ko kung tama ba tong pinaggagawa ko. Well aminado ako na hindi ako perfect. Kanina I had a conversation with my classmate. Mas mature siya sakin. Sa katunayan, top 1 siya. At friend ko siya. Grabe. We talked about the issues of the school. Kase may isang girl from a lower year insulted our school. Kase lilipat na siya sa Beda. She tweeted: "Finally, leaving this school FULL OF MEAN BITCHES." Syempre at first nakakaoffend talaga. Pero di na lang kami nakisali. Sabi ko nga, lahat naman tayo nagkakamali e. 

Tapos nagkwento ako sa kanya tungkol sa isa pa naming friend na namomroblema sa love life. Sabi ko sa kanya: Isa lang solusyon jan.-- Edi wag ka muna maglovelife. Sus. Mas maaga mainlove, mas maaga mahaheartbroken. Tapos binalik sakin yung sinabi ko. Bakit daw ako may lovelife pero against ako dun sa early courtship. HAHA. Mental block. Joke.

Sabi ko, kase ako alam kong mali ako. Dadating at dadating talaga yung panahon na makakagawa tayo ng pagkakamali, pero syempre itatama mo rin to dapat sa huli. 

Half-hearted

Ngayong week nato mejo moody ako. Sorry amaw. Naiisip ko lang kase. Yung parang nakokonsensya ako. Dun sa sectioning sa school natin sa batch ngayon, they based daw dun sa mga relationships. Pinaghihiwalay yung magsyota. HAHA. Leche. Unfair. Hindi tayo pinaghiwalay? Magic no? I wanted to tell you this kaso everytime na ipapasok ko yung topic nato, it's either antok ako or ikaw, wala tayong gana, or may sasabihin ka pagmagsasalita ako. Kaya I'd rather shut up.

Nakokonsensya lang talaga ako. Gusto ko magpalipat. Pero ayoko sayangin yung efforts ng mga teachers sa sectioning. Hay nako. Pero buti naman June 11 pa pasukan namin.


5.29.2012

Hi Amaw!

Pagnakita mo siguro tong blog ko, papagalitan mo ko. Kase lagi ako madaling araw nagbablog. Hindi tayo LDR kaya hindi naman ganun kahirap para satin yung communication. Madalas nga magkatext pa tayo or online. Pero dahil mejo may kalayuan yung bahay niyo sa bahay namin, ayun na nga. HAHA. Ni minsan di ko inakala na magiging ganto tayo. Kase sa unang tingin, ang layo ng mga napagkakasunduan natin. Yung pagnakita mo ko or pagnakita kita, wala lang. Yung hindi tayo interesado sa isa't isa. Pero ewan ko. Naging best friend kita e. And best friend parin naman kita. Dito ko ipapasok ung line ni Kim sa "Paano Na Kaya" na...

Syinota mo BEST FRIEND MO EH!

Haha. Kaso baliktad yung sitwasyon natin sa movie nila. Ako naman yung galing sa lecheng pakiramdam na crush na yan. Sa una siguro masarap. Pero habang tumatagal, kapag naaabuso na yung feelings mo, sumasakit ng sumasakit. Kita mo nga naman? Tropa pa tayong 4 nun. Kasama yung babaeng kras din yung kras ko nun. HAHAHA. BWISET! :))))))

Pero natuto ako na i-settle na ung feelings ko. Itigil ko na yung mga crush crush na yan. At dyan ka pumasok. BEST FRIEND KITA :) PBB TEENS TAYO E :))) Best friend may Anniversary!? HAHA.

Dre, hindi ko talaga inexpect na mangyayari to. I trust in you, I trust in us. :) Aypots. Ang korni ko na. HAHA. Di kase ako sweet na pangmatagalan. Yung pagka-showy ko mejo limited. Basta yun, lagi mo tatandaan, bukod sa parents ko, sa family, inaalagaan mo rin ako. Higit pa sa iba jan. Stay like that. Naniniwala ako sayo! Kaya mo yan! :)

5.23.2012

Myrtle.

  • Nagpakatanga sa bestfriend.
  • Tumakbo ng 800 meters para magsorry
  • Pinagpusatahan
  • Pinagsinungalingan.

NAASAR AKO SA MGA TAONG NAGSASABI NA OA SIYA, MALANDI, FEELER, UMASA.

Nakakainis kase. Ako, hindi ako naaawa sa kanya. Instead humahanga ako lalo sa kanya. Based sa opinions ng matatanda sa PBB TEEN EDITION ngayon, masyado daw sakit sa ulo. Eh kase naman. Sa mga nakikita nila sa TV mejo masakit sa bangs ha.  


Regarding sa episode kagabi, gusto ko talagang umiyak. Kase the fact na sinabi ni Yves na hindi siya nanloloko ng babae, and yung pagtrust sa kanya ni Myrtle, sobrang saklap. Tapos maraming nagsasabi na

"WALANG MALOLOKO kung HINDI MAGPAPALOKO."

UNANG-UNA, BAKIT KAILANGAN PANG MANLOKO? Anu yun?

She's been through a lot. Grabe yung mga naranasan nia. Sometimes it would make her feel na hindi siya dapat magtatrust sa mga lalaki. She's not the one at fault.


ENA. HINDI NIYA ALAM NA MAY GIRLFRIEND SI YVES. -To haters

"Ni minsan hindi naging "cool" pakingaan for a girl if her suitor is half-hearted. Guys, learn to stick to one please. Mukha na kaming gago."

5.20.2012

Long Distance

Dafuq.


Nagtataka ako dun sa mga taong makalapit lang yung bahay pero kung makapaglambingan or harutan parang once in a year lang nagkikita. EH KUNG YUNG MGA NASA-LONG DISTANCE RELATIONSHIPS NGA E. KAHIT COMPUTER lang sila nagkikita, sapat na yun. Pero inaamin kong may mga klase din ng tao na possessive. Or malalambing nga. Natutuwa din ako paminsan sa mga ganun.

Dahil nakakakilig pag ikaw yung nasa sitwasyon. Pero pag iba na yung nakikita mo, naiinggit ka. HAHA. Lichi.

5.18.2012

Opinions :)

At dahil nga uso na ang pagbibigay ng opinyon sa mga napapanood natin, lalong lalo na tuwing PBB, makiki-uso din ako.

Sa PBB Teens ngayong edition umuso yung kataga ni Vice na:

"1 week pa lang inlove na kagad?! PBB TEENS?! PBB TEENS!?"

Mga tao nga naman ngayon, mapa-anong age group man yan, kapag nakasagap ng kung ano, nadadama din nila yun. TAGOS SA PUSO.

Sariling opinion ah. First is about Myrtle. And some people often say na "Hindi ko talaga maunawaan yung pagmamahal ng tao sa ANIME." Kase ako, aminado ako na mahilig ako magdrawing/magbasa/manood ng anime. Kumbaga, parang nasagap ko yung CULTURE ng Japan. To the point na namememorize ko yung mga Japanese songs in less than a day. Ganyan kase ako e. Yung tipong pagna-set ko na yung goal ko sa isang bagay, di ko titigilan. Tsaka may history din kase yung pagiging anime addict ko. Nung elementary days ko, I suffered. Mahirap talaga. Lalo na kung yung mga kaibigan mo, eh on-screen kaibigan mo lang pala. Yung kapag nakatalikod ka at wala ka na sa spotlight, wala na rin silang pake sayo. Yung lalayuan ka ng mga tao na para kang may sakit na nakakahawa. Kaya napunta yung atensyon ko sa mga IMAGINATIVE na bagay. Yung mga hindi makatotohanan pero nakaka-relate ka paminsan-minsan. Ako, palagay ko, ang anime, isa yun sa mga paraan ko para masabi na paminsan-minsan pala, kaya ko rin palang malugar sa isang mundo na walang nanghuhusga sayo. 

Pero dahil rin dun, mas lalo pang lumayo yung iba sakin. HINDI NA DAW KASE AKO SIKAT. Hindi na daw kase ako kagaya ng dati. May isang beses pa nga tinanong ako, "Anong nangyare sayo?! Bat di ka na sikat? Siguro dahil yan sa nag-anime anime ka. Dati palagi kang kasama ng mga sikat na tao dito ah!"

At that point, gusto kong isigaw sa kanya na, "Pasensya na. Hindi kase ako plastik e. Kung sisikat man ako, pero wala naman akong TUNAY na kaibigan, wag na lang." pero hindi ko nagawa e. Wala akong courage para dun.

Anime? Escape from reality yan para sakin.

Pangalawa naman, yung fans ng Housemates.

Oo nga fans kayo. You protect the image of your idols. Pero kung alam niyong mali ang hinahangaan nio, don't defend them. Magpakatotoo kayo. Kase kayo, you have no right to judge. May it be haters. Walang masama sa pagbibigay ng opinyon pero wag mo na ipagsigawan na mas mabait yang idol mo at wala siyang kasalanan. People tend to flip over the events paminsan. Yan ang dahilan kung bakit maraming tao ang nag-aaway away. Ka-join kayo dun? Feel na feel?

Pangatlo, panghuhusga.

Sabi ni ganto, pangit daw si ano. "HINDI NAMAN SIYA MAGANDA E." "Mukha siyang ____"

Sus. May panahon pa kayo para laitin yang mga yan. Samantalang God spent 9 months on them. Para lang magawa sila. Malay niyo they have that certain kind of attitude na maganda pala.

-end



5.16.2012

Age?

Bakit may mga taong nagsasabi, age doesn't matter daw? Tapos may iba naman na opposed sa ganun.

PERO ISA LANG MASASABI KO! AMAW,

Hindi man tayo sabay pinanganak, mas matanda ka man o bata, pag-ika'y naging akin, SABAY TAYONG TATANDA.

5/16/12

Yiee. 17 na bukas! Happy BUFF DAY AMAW! I know it's quite dramatic if I'm going to tell each and everything that happened starting November so..


CHOS. HAHAHA. Eto na talaga! Ang drama eh =))) Para mas masaya naman, ayoko na kase nung naiyak ako kase tuwing naiyak ako baka mahawa ka e. Wawa ka naman. Deee. Yung totoo, sorry talaga. Trip ko ngayon magtagalog. PARA MASAYAAA. Naalala mo pa ba sila B1 at B2? Yung nasa Bananas and Pajamas? Yung pinagtitripan natin sa telepono? HAHA =))) Ayaaan. Sobrang hyper ko na ngayon tuwing nagkakausap tayo no? Tapos nagmamayabang ako na mas matangkad ako sayo. Oh well.. I'm honest naman.

jk. :))
Ok. Good girl nako. Baka awayin mo uli ako e. :< (pero ako naman talaga laging nang-aaway) HAHA. Tapos tuwing nabubulol ako, tinatawanan mo ko. Tapos mananahimik ka habang ako, pauulit-uilitin ko banggitin ung pangalan mo pero hindi ka makatiis. >:D Siguro ang sarap kong batukan paminsan no?

Tapos kapag korni yung jokes ko, or kapag humihirit ako ng mga ganto..

  • " May TEN ka ba? Kase ikaw ang dahilan kung bakit MAY TEN-itibok yung puso ko eh!"
  • " Salt ka ba? Kase I LOVE YOU ALAT EH." 



Sarap ko batukan no? HAHAHAHA. Kpayn. Yun lang. Basta lagi mo tatandaan na nandito lang ako lagi para sayo, and ready ako i-take ung risks basta kaya ko ha. =)) Advance Happy Best Friend Day JL! :)





Psst.. uy.. AMAW!

MAHAL KITA!

Summer

BUSY TAYO AMAW.

Nakakaasar lang e no? Kumbaga, "Ay ganon? Pasukan na agad?" haha. lichi. DI KO PA NAEENJOY FULLY UNG SUMMER. Wala kase akong ginawa kundi magpiano ng magpiano, tapos magtennis, at maglaro pati magpahinga. Hayan. At isa pa, konti lang yung time natin ngayong mga nakaraang araw. Kase nasasakto kung kelan ako busy, busy ka din, pag hindi na ako busy, busy ka paren sa Volleyball mo. Tapos kapag wala ka namang training, ako naman ung may training. </3


Amaw! Namimiss kita. k. Yun lang bye :)




5.09.2012

Akala mo..

AKALA MO MAY MAGTETEXT SAYO PAG-UWI MO.
AKALA MO MADAMING MESSAGES OR MISSED CALLS YUNG CELLPHONE MO.
AKALA MO MAY NAG-AANTAY SAYO.
AKALA MO MABAIT SAYO.

MARAMI ANG NAMAMATAY SA MALING AKALA. JK :)))

Kase naman, nakakamiss. Yung mga taong kapag school days, nagpaparamdam, todo text, tapos kung kelan bakasyon, tsaka naman nawala.

Tapos, may isang lalaki, na kras ko. KUNO. haha. Tapos ayuuuun, parang kase best friend na crush na ewan. :)) Magulo e. Pero kahit na, basta, :))

NAKAKAMISS

Expectations

Personally, naiinis talaga ako sa mga taong kung makapag-expect sayo, sobra sobra.

You might or can do something, but you can't do everything.


5.07.2012

Kabataan.

It took me 4 times to think before I finally settled on the title of this post.

HAHA. English mehn. Pero seriously, kabataan. TEENS/TEENAGERS in english. Why do most people think they are misunderstood? Maybe sometimes, they are misunderstood. But if you really want to know what's happening inside their head or what they are thinking, you'll reach out to them. May mga parents kase na may tight-bond sa anak nila. At may iba naman na, nung bata yung anak nila, dun lang sila close pero habang lumalaki yung bata lumalayo ng lumalayo yung loob nung bata sayo.

As a teenager, para sakin, para lang yang ROLLERCOASTER EH. Siguro at first, matatakot ka magstep-up. Kase SOCIETY is different when you become a high school student. Maraming changes na mangyayari and may mga magdedevelop sayo physically and mentally.

Malaki rin yung role ng parents sa pag-guide nia sa bata. Ako, I was asked by my dad before he left the country to work. Sabi nia:

"Nak, malambing ka naman sakin dati ah? Bakit ngayon hindi na?"

Akala ko ayaw na sakin ni daddy makipaglambingan. Kase nga, tuwing gumagawa ako ng mga pabirong bagay sinasabi nia, "ANO BA YAN. ANG TANDA TANDA MO NA. Yan parin at yan ang trip mo?" tapos tatawanan niya ako.

Hay. Hindi lang naman kase ganun yun eh. Kapag gumagawa ako ng bagay, yung lang yung break ko sa mga nakakapagod na araw. Yung mga araw na hindi mo alam kung san ka dedepende. At least manlang sa isang araw, matuwa ka dahil may alam kang isang bagay na ikakasaya mo talaga.

:) So yun. End post na :)